Suriin ang IDNStudy.com para sa malinaw at detalyadong mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Sagot:
Oo naman
Paliwanag:
Kailangan natin sa buhay ang pagiging responsable dahil malaking tulong ito mismo sa sarili natin pati na rin sa ibang tao. Mahahasa nito ang ating paraan ng pag-iisip at damdamin. At nagsisilbing gabay ito sa atin para makapagdesisyon ng tama at tingnan kung ano ang dapat unahin natin sa buhay. Gayundin, kung may mga pananagutan tayo sa ating sarili pati sa ating pamilya, ang pagiging responsable ay malaking bagay upang malaman kung ano ang priyoridad natin at tamang pagsasaalang-alang.
Ang pagiging responsable ay tutulong mismo sa atin na magkaroon ng tiwala sa ating sarili. Isang bagay ito upang mahubog tayo sa tamang landas at maging sa ating paggawa ng mga pagpapasiya. Matuturuan rin tayo ng pagiging responsable na makapagpigil sa sarili at magkaroon ng limitasyon sa bawat sitwasyon na mapaharap sa atin. Makakapagtimbang rin tayo ng mga bagay-bagay at hindi magiging padalus-dalos dito.
Paano tayo maaaring maging responsable sa mga gagawin natin sa buhay?
Tingnan ang ilan sa mga halimbawa:
- Isaaalang-alang muna ang bawat bagay bago magdesisyon
- Isipin ang mga taong maaaring maapektuhan
- Magkaroon ng tamang priyoridad sa buhay natin at iwasan ang pag-una sa hindi mahalaga
- Huwag magmadali sa gagawing mga pagpapasiya at magbulay-bulay muna
- Isaisip rin ang posibleng mangyari kung tatahakin ang bawat desisyon at paganahin ang kaunawaan at imahinasyon
- Tulungan ang sarili na mahubog sa tamang bagay at mga katangian
Tandaan ito:
Sa buhay natin, mahalaga talaga ang pagiging responsable dahil marami tayong responsibilidad sa buhay na ginagampanan. Kaya kapag nagpakita o nagpamalas ng ganitong katangian o asal nahuhubog ang ating kapatapatan sa sarili pati na rin sa kapuwa natin. Mas makukuha natin ang tiwala ng iba sa ganitong pagkilos.
Kung nais mo pa makapagbasa ng higit pa, maaaring bisitahin ang mga link na ito:
Ang kahalagahan ng pagiging responsible at halimbawang sitwasyon: brainly.ph/question/2667560
Sanaysay may kaugnayan sa pagiging responsable sa ating kapuwa: brainly.ph/question/1772854
Islogan tungkol sa pagiging responsable: brainly.ph/question/9108686
#BrainlyEveryday
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.