Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

ANG BATANG MAGALANG
(ni: Irish A. Wong)
Aking nakilala isang batang dakila,
Siya'y aking sinundan at sinubaybayan;
Upang aking malaman ang kanyang katangian,
Kaya siya'y lubos kong hinahangaan.
Sa kanilang tahanan siya'y huwaran,
Sapagkat hindi niya malilimutan ang pagmamano sa
mga
magulang;
Respeto at kabaitan ay ipinakita kaninuman,
Mga kabataan , siya'y tularan.
Sa kanilang paaralan lahat ay kanyang kaibigan,
Pagkat lahat ay kanyang ginagalang at
pinagkakatiwalaan;
Pati mga guro sa kanya'y natutuwa,
Dahil sa kanyang ugali na sadyang dakila
Tanong:
1. Sino ang pinag-uusapan sa tula?
2. Ano ang kanyang taglay na katangian?
3. Bakit siya huwaran sa kanilang tahanan?
4. Bakit niya kaibigan ang lahat sa kanilang paaralan?
5. Paano mo tutularan ang bata sa tula?​


Sagot :

Answer:

1. Isang dakilang bata

2.may katangian syang mabuting kalooban at mabuting bata

3. Dahil sya ay mabuting bata

4. Sapagkat iginagalang nya ito

5.magiging mabait may respeto sa nakakatanda may dakilang puso