Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

1. Ito ay tula na may limang taludtod na ang kabuuang pantig ay 31.
a. Tanka
b. haiku
c. soneto
d. tanaga

2. Ilang pantig ang bumubuo sa tulang haiku?
a. 14 b. 15 c. 16 d. 17

3. Sa anong bansa nagmula ang tulang tanka at haiku?
a. Pilipinas
b. China
c. Japan
d. Singapore

4. Ano ang karaniwang paksa ng haiku?
a. Digmaan
b. Kasiyhan
c. Kalikasan at Pag-ibig
d. Kamatayan

5. Ilang taludtod nahahati ang Tanka?
a. 6 b. 5 c. 4 d. 8

6. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na nagpapahayag ng damdamin ng tao sa pamamagitan ng malikhaing pagsulat.
a. Tula
b. maikling kuwento
c. dula
d. balita

7. Ang isang matalinghagang salita ay tinatawag na _______ kapag ikinakabit ang katangian, galaw, o kilos ng tao sa isang bagay.
a. Simile
b. Metapora
c. Personipikasyon
d. Apostrophe

8. Ano naman ang tawag sa tayutay na labis ang paglalarawan at imposibleng mangyari sa totoong buhay?
a. Hyperbole
b.Metapora
c. Simile
d. Apostrophe

9. Ano ang tamang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tulang haiku?
a. 4-6-8 b. 5-7-5
c. 4-8-4 d. 6-7-6

10. Ito ay ang pagkakapareho ng tunog sa hulihang pantig.
a. Tugma b. Sukat
c. kariktan d. Talinghaga​


Sagot :

Tanka at Haiku

Ang tanka ay isang uri ng tula na may limang taludtod at may kabuuang tatlumpung pantig. Samantalang ang haiku ay isang uri ng tula na ang karaniwang paksa ay kalikasan at pag - ibig at binubuo ng labimpitong pantig. Ang mga akdang ito ay nagmula sa bansang Hapon. Sa mga tulang ito makikita ang pagsasama - sama ng mga ideya at imahe sa pamamagitan ng kakaunting salita lamang. Mahalagang maunawaan ng mambabasa ang kultura at paniniwala ng mga Hapon upang lubos na makuha ang mensaheng nakapaloob dito.

Mga Sagot:

  1. a.
  2. d.
  3. c.
  4. c.
  5. b.
  6. a.
  7. c.  
  8. a.
  9. b.
  10. a.

Mga Dapat Tandaan:

  • Ang tanka ay isang uri ng tula na may limang taludtod at may kabuuang tatlumpung pantig.
  • Ang haiku ay isang uri ng tula na ang karaniwang paksa ay kalikasan at pag - ibig at binubuo ng labimpitong pantig.
  • Kapwa nagmula ang haiku at tanka sa bansang Hapon.
  • Ang tula ay isang uri ng akdang pampanitikan na isinusulat sa malikhaing pamamaraan at nagpapahayag ng damdamin ng taong sumulat.
  • Ang personipikasyon ay uri ng tayutay na karaniwang matalinhagang pananalita na ikinakabit sa katangian at kilos ng tao o bagay.
  • Ang pagmamalabis o hyperbole ay uri ng tayutay na labis ang paglalarawan at imposibleng mangyari sa totoong buhay.
  • Tugma ang tawag sa elemento ng tula kapag magkapareho ang tunog ng hulihang pantig.

Ano ang tanka: https://brainly.ph/question/844006

Ano ang haiku: https://brainly.ph/question/844006

Ano ang tayutay at mga uri nito: https://brainly.ph/question/2093695

#BrainlyEveryday