Makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Bureau of Fire Protection:
Ang ahensya ng gobyerno na dapat tinatawagan tuwing may sunog ay ang Bureau of Fire Protection. Ang Bureau of Fire Protection ay responsable sa seguridad ng publiko laban sa mapaminsalang sunog sa mga gusali, kabahayan, at iba pang establisyimentong may kaparehong istruktura, mga kagubatan, pampublikong sasakyan at kagamitan, barko, pantalan, daungan, at mga deposito ng mga produktong petrolyo.
Ang ahensiyang ito ay kumikilos sa direktiba ng Department of Interior and Local Government. Ang kanilang pangunahing tungkulin ay ang mga sumusunod:
- pagpapatupad ng Fire Code of the Philippines (PD 1185) at iba pang kaugnay na batas
- mag - imbestiga ukol sa sanhi ng sunog at kung kinakailangan ay magsampa ng reklamo kaugnay ng insidente ng sunog
- sa panahon ng national emergency, sila ay katuwang ng mga militar alinsunod sa utos ng Pangulo ng bansa
- magtalaga ng isang fire station na may mga personnel at kagamitan bawat munisipalidad at probinsya.
Keywords: ahensya ng gobyerno, sunog
Ano Ang Tungkulin ng Bureau of Fire Protection: https://brainly.ph/question/2881431
#LetsStudy
Salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.