Makakuha ng mga sagot sa iyong mga pinakamahahalagang tanong sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at unawain ang bawat pahayag na nagpapakita ng pagiging iresponsable. Ipaliwanag ang di-mabuting
dulot nito. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Nangako si June sa kaniyang OFW na nanay na di na magpupuyat
upang hindi na mahuli sa klase. Ngunit hindi niya ito tinupad at
ipinagpatuloy ang pagpupuyat gamit ang kanilang computer.
2. Araw ng palugit ng pagpapasa ni Rica ng kaniyang proyekto ngunit hindi pa niya ito nasisimulan dahil abala siya sa panonood ng telebisyon at paggamit ng cellphone araw-araw.
3. Hiniram ni Jeff ang sapatos ng kaniyang kaibigan at ipinangakong ibabalik ito kinabukasan dahil gagamitin rin ito ng kaniyang kaibigan.
Kinabukasan ay ginamit pa rin ni Jeff ang sapatos at hindi ito ibinalik sa kaniyang kaibigan.
4. Alam ni Josh na bawal ang mag-cutting classes ngunit ginawa pa rin niya ito dahil wala siyang maipapasang takdang aralin sa kaniyang
guro.
5. Hindi kinikibo ni Peter ang kaniyang kaibigan dahil nakalimutan nitong tuparin ang kanilang kasunduan na tutulungan siya nito sa
pagsasanay sa talumpati.


Thank you po sa pagsagot..​


Sagot :

Unang Sitwasyon:

Sagot: Ang maaaring masamang epekto nito ay pagbaba ng marka niya sa mga gawain sa paaralan. Gayundin, magiging laging huli siya sa pagpasok sa klase dahil sa kaunting tulog. Kasabay nito, puwede rin siyang magkasakit dahil sa pagpupuyat.  

Ikawalang Sitwasyon:  

Sagot: Dahil sa hindi matalinong paggamit ng oras at panahon, maaaring bumaba ang grado niya sa proyekto at hindi makapasa. Isang pang bagay, magdudulot ito ng pagkadismaya sa mga magulang niya dahil sa mga maling pagkilos. Ang masama pa, baka lumabo ang kaniyang mata dahil sa sobrang paggamit ng cellphone at panonood ng telebisyon.

Ikatlong Sitwasyon:

Sagot: Maaaring magkaroon ng hindi magandang ugnayan at alitan ang magkaibigan dahil sa hindi pagtupad sa pangako. Masisira ang tiwala ng kaibigan sa kaniya kaya hindi na ulit ito makakahiram sa kaniya ng anumang bagay.

Ikaapat na Sitwasyon:

Sagot: Maaari siyang mapahamak dito ang masisira ang kaniyang reputasyon sa klase at madadamay pa ang grado niya. Mahuhuli rin siya sa mga paksa na tatalakayin sa isang klase kung saan baka mahirapan na siya na gawin ito. At ang masama pa, baka magalit rin ang guro sa kaniya dahil sa maling pagkilos.  

Ikalimang Sitwasyon:

Sagot: Ang maaaring maidulot nito ay hindi na siya pagkakatiwalaan ng iba. At magtatampo rin ang iba sa kaniya. Baka rin mawalan siya ng kaibigan dahil hindi siya tumupad sa usapan na tutulungan siya.  

Tingnan pa ang link na ito upang makapagbasa pa ng karagdagang mga punto:  

Ang kahalagahan sa pagiging responsable sa ating kapuwa: brainly.ph/question/1772854

#BrainlyEveryday