Magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Sina Thor at Loki ay tumungo sa Utgaro, ito ang lupain ng mga higate. Sila ay naglakbay patungo sa kuta ng mga higante upang makipaglaban ng paligsahan.
Buod ng Kwentong Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante
ni Snorri Sturluson
Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos sa Norse. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay ng karwahe na hinihila ng dalawang kambing. Naglakbay sila hanggang sa makita nilang ang natutulog na si Skymir isang uri ng higante na naninirahan sa kakahuyan. Sa tuwing umiinit ang ulo ni Thor at habang si Skrymir ay natutulog, pinupukpok niya ng kanyang maso ang ulo nito upang ito ay magising. Dinala ni skrymir sina Thor kay Utgaro Loki ang hari ng mga higante. Nakipag paligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor, ngunit sa kasamaang palad ay natalo sina Thor sa lahat ng paligsahan na kanilang sinalihan. Ngunit ang totoo nito ay nilinlang lang sila ni Utgaro Loki dahil walang kapantay ang kanyang lakas at ayaw ni Utgaro na may makatalo sa kanya. Nang matapos na ang mga paligsahan. Si Thor ay muling lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos.
Mga Tauhan:
- Thor- diyos ng kulog at kidlat at pinakamalakas sa mga diyos ng Aesir
- Loki – isa ring diyos na kasama ni Thor sa paglalakbay, may taglay itong kapilyuhan
- Skymir – isang higante na naninirahan sa kakahuyan
- Utgaro-Loki - ang hari ng mga higante
- Logi, Hugi, at Elli - mga higanteng kabilang sa kuta ni Utgaro-Loki
- Thjalfti at Rosvka – mga taong anak na lalaki at babae ng magsasaka
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Kwentong Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante , magtungo sa link na:
brainly.ph/question/455976
brainly.ph/question/455527
brainly.ph/question/434172
#LetsStudy
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.