Suriin ang malawak na saklaw ng mga paksa at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.

Salitang maiuugnay sa lipunang politikal


Sagot :

Answer:

Lipunang Politikal

Ang lipunang politikal ay tumutukoy sa isang uri ng lipunan na kung saan ang ugnayan ay nagmumula sa isang konsepto - panangutan. Ang konsepto ng pananagutan ang siyang nagiging basehan ng pagbuo ng pamahalaan at paghalal, pagpili at paglalagay sa pwesto o katungkulan ng mga pinuno. Ito ay kadalasang binubuo ng mga lider o pinuno at mga mamamayan.

Ang mga salitang maaari nating iugnay sa lipunang politikal ay ang mga sumusunod:

Pinuno

Halalan

Pamahalaan

Monarkiya

Demokrasya

Pinuno

Ang pinuno ang siyang nangangasiwa sa isang lipunang politikal. Sila ang gumagabay sa buong pamayanan upang sila ay mapunta sa tamang daan. Madalas, sila ay pinipili ng mga tao base sa mga sumusunod na criteria:

Kakayahan

Dedikasyon sa bayan

Edukasyon

Plataporma

Halalan

Halalan ang tawag sa paraan o proseso ng pagpili ng pinuno sa mga piling lugar sa mundo. Sa Pilipinas, nito lamang nakaraang Mayo 2019 ay isinagawa ang midterms elections. Dito ay naghalal tayo ng 12 na senador, mayor, vice mayor, kongresista, at mga konsehal sa ating lungsod

Pamahalaan

Ang pamahalaan ay binubuo ng mga pinuno na ating pinili. Ang pamahalaan ang siyang nagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa isang pamayanan. Sila ang nagpapatupad ng iba't ibang programa para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

Monarkiya

Ang Monarkiya ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang namumuno ay isang hari at reyna. Ang pamumuno sa pamayanan ay napapasa sa kanilang mga anak o kapamilya. Ang mga mamamayan ay hindi makapipili ng taong gusto nilang maging hari o reyna.

Demokrasya

Ang demokrasya ay tumutukoy sa kalayaan ng mga mamamayan na piliin ang mga pinuno o mga taong gusto nilang mamuno sa kanila. Ang pagpiling ito ay tinatawag na halalan. Ang mga Pilipino ay may demokrasyang piliin ang ating Pangulo, mga senador, at iba pang opisyal sa pamahalaan

Sumangguni sa mga sumusunod para sa karagdagang kaalaman ukol sa halimbawa ng:

Kagawaran ng pamahalaan

brainly.ph/question/538764

Bansang may monarkiya

brainly.ph/question/444765

Bansang may demokrasya

brainly.ph/question/514851

Explanation:

sana makatulong :)