IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

paano gumawa ng liham para sa kamag anak​

Sagot :

Answer:

Liham Pasasalamat:

                                                              Ika – 4 ng Enero 2021

Mahal kong Pamilya,

Magandang araw po. Hangad ko po ang inyong kaligtasan at kapayapaan habang binabasa itong aking liham ng pasasalamat. Una po sa lahat, nais kong magpasalamat sa buhay na ipinagkaloob ninyo. Tunay na ang aking pagsilang dito sa mundo ay isang biyaya para sa akin. Masaya po ako na mapabilang sa inyong pamilya. Mahal ko po kayo.

      Nais ko rin pong magpasalamat sa pagtataguyod ninyo sa amin. Batid ko po na hindi madali ang magpalaki ng pitong anak na may magkakaibang pag – uugali ngunit nagawa po ninyo na mapagsama – sama kami sa loob ng bahay. Marami po akong natutunan sa inyo araw – araw. Bagay na nais ko rin pong ipagpasalamat sapagkat kayo po ay naging mabuting halimbawa sa aming magkakapatid. Hindi man po tayo nakakaluwag sa buhay ay patuloy nyo pong pinagsisikapan na maibigay ang lahat ng aming mga pangangailangan. Sa kabila ng laki ng ating pamilya ay nagagawa ninyong mapaghati – hati ang anumang biyaya na meron tayo.  

      Salamat din po na hindi nyo kailanman ipinaramdam sa akin na meron kayong favoritism. Kahit po may mga pagkakataon na nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaang magkakapatid, hindi nyo po hinayaan na magtagal ang tampuhan sa pagitan ng inyong mga anak. Salamat po at lumaki kaming laging may respeto sa isa’t isa at pag aalala para sa kapakanan ng bawat isa. Hindi man po kami naging matagumpay lahat sa mga karerang pinili naming ay pilit nyong inunawa ang aming mga naging kahinaan at kakulangan. Tinulungan nyo po kaming bumangon at magkaroon muli ng pag asa na ang lahat ng mga problema gaano man kalaki ay may solusyon.  

      Salamat po Inay at Itay sa pagtulong sa amin na itaguyod ang aming kani – kaniyang pamilya. Ang pag – alalay sa amin habang kami ay nagsisimula ng pamilya at ang pangangalaga sa aming mga anak ay totoong malaking tulong para sa amin. Dahil po dito ay nakapagtatrabaho kami ng maayos at napapawi ang pangamba nab aka mapabayaan ang aming mga anak habang kami ay naghahanap – buhay. Sabi nila kapag tapos na daw magpalaki ng anak dapat hindi na mag – alaga ng apo pero kayo ang nagpatunay na hindi natatapos ang inyong pagiging magulang para sa amin kasi sobrang mahal ninyo ang aming mga anak.

      Higit sa lahat, nais ko pong magpasalamat sa inyong walang sawang pagmamahal. Yung pagmamahal na kailanman ay hindi ko makukuha sa ibang tao. Mahalin man ako ng mga anak ko at asawa ko pabalik ay hindi matutumbasan ang pagmamahal na ipinaramdam ninyo para sa akin. Hinding – hindi ko po makakalimutan ang lahat ng sakripisyo ninyo para mapag – aral ako ng elementarya, highschool, at hanggang college. Tunay po na hindi ko matatawaran ang lahat ng mga pagkakataong kayo mismo ang naglalakad ng mga papel ko para lang makapasok ako sa unibersidad. Wala po kayong katulad. Naalala ko po yung panahon na kinailangan ninyong magpakatulong sa iba para lang meron kaming maipambaon sa eskwela. Saludo po ako sa inyo Inay at Itay. Mabuhay po kayo!

                                           Lubos na Nagmamahal,                                                                                                                                              

.                                                  

#CarryonLearning

Salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat sa pagpili sa amin at sa muling pagkikita.