Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

____1. Alin sa mga sumusunod ang depinisyon ng ekonomiks?

A. Larangan ng agham na nakatuon sa pag-aaral ng mga lupain, mga naninirahan, at mga phenomena ng mundo at mga planeta.
B. Ang pagproprodus ng prodyuser na gumagawa ng produkto o serbisyo na walang kinalaman sa interes ng mamimili
C. Sangay ng agham na nag- aaral sa pagkabaha- bahagi at kasaganaan ng mga bagay na may buhay at ang kanilang interaksiyon sa kapaligiran.
D. Ang pag-aaral ng mga pamamaraan kung paano nagbabahagi ang mga mamamayan at bansa ng kanilang limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang walang katapusang kagustuhan.

____2. Ang mga salik na nakatala sa ibaba ay mahalaga sa matalinong pagdedesisyon. Alin sa mga sumusunod ang hindi nararapat na maisama sa naturang salik?
A. Edukasyon C. Oppurtunity cost
B. Incentives D. Marginal Thinking
____3. Bakit mahalaga ang trade-off sa pagproseso ng pagpipili mula sa mga choices?
A. Dahil ito ay nag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo.
B. Dahil ito ang mga insentibo na inaalok ng mga lumikha ng produkto
C. Dahil ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng isang bagay na handang ipagpalit.
D. Dahil sa pamamagitan nito ay maaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo
ng pinakamainam na pasya.

____4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng incentives na konsepto ng matalinong pagdedesisyon?

A. pinili mong gumawa ng takdang aralin kay sa maglalaro ng computer
B. pinili mong bumili ng tubig kay sa softdrinks dahil ito ay nakakabuti sa katawan
C. pinili mong mag-aaral ng mabuti upang makakuha ng mataas na marka dahil sa pangako ng iyong nakakatandang kapatid na ipod.
D. pinili mong gastusin ang perang ibinigay sa iyong mga magulang sa pagbili ng mga gamit sa paaralan kay sa maghanda ng magarbong party sa iyong kaarawan

____5. Kung ikaw ay isang rasyonal na tao, ano ang dapat mong isaalang -alang sa paggawa ng desisyon?
A. ang mga hilig at kagustuhan
B. ang opportunity cost sa pagdedesisyon
C. ang mga paniniwala, kultura at tradisyon
D. ang mga bagay na makapagbigay kasiyahan