IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.
Sagot :
Answer:
1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.
2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases )GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.
Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE
Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.
Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:
- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.