Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

250 words Covid kalang, Pilipino Ako essay​

Sagot :

Answer:

Alam natin kung saan nag simula ang lahat ng pangyayare,ang hindi natin alam ay ang mabilisang pagkalat nito ng hindi natin inaasahan.Lahat tayo ay nabigla at natakot.

Sa una wala pa itong epekto kasi hindi pa ito umaabot saatin,kaso nung nagtagal halos lahat ay nakinig.Ang iba naman parang hindi apektado dahil kung ano ano ang ginagawa. Andaming naging pasaway,lalo nat madami din ang hindi sumusunod na naging dahilan ng pagkalat pa nito lalo. Hindi nila alam sa kabila ng pagiging makulit nila ay may mga taing nag hihirap at nahihirapan sa pirwisyong kanilang ginagawa.

Akala nila nakakatuwa yun. Sa bawat araw may nahahawa,namamatay at nawawalan ng oras sa kanilang sariling pamilya pero akala natin doon na mag tatapos ang lahat.

Unti unting nabawasan ang makukulit sa daan,kaso imbis na pasalamatab ang mga taong ginagawa alng ang trabaho ay sila pa ang sinisisi kung may mangyareng masama sa iba dahil baka daw mahawaan ,hindi nila alam na nasasaktan sila dahil gumagawa lang naman sila ng mabuti pero ang kapalit ay ang ikakasira nila.

Covid ka lang,pilipino ako. Kaya natin itong labanan kung ang lahat ay may tiwala at kooperasyon. Magtiwala lang tayo sa Diyos dahil hindi tayo pababayaan nito. Tayo ay mag pasalamat dahil nalagpasan natin ang unang pagsubok nito.

Ang pag asa natin na sana ay matapos na ito ay samahan natin ng tiwala at kooperasyon. Ang lahat ng ito ay matatapos din. Tayo ay pilipino na kaya na natin harapin ang ibang bagay dapat kaya din nating harapin ito hanggang ito ay matapos. Huwag sana tayo mawawalan ng pag asa. Mag pasalamat tayo dahil hanggang ngayon buhay pa tayo. Ang mga pinoy ay hindi basta basta susuko sa kahit ano mang hirap na ating haharapin.

Explanation:

292 words.

View image Mcalangian1221