Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

hindi mabuting epekto ng migrasyon


Sagot :

Hindi Mabuting Epekto ng Migrasyon

Ang migrasyon ay ang paglipat ng isang tao sa ibang lugar upang doon manirahan o magtrabaho pansamantala man ito o permante. Marami itong hindi mabuting epekto.

Hindi Mabuting Epekto ng Migrasyon

  • Nauubos o umuunti ang bilang ng mga professional’s ng isang bansa o lugar dahil lumilipat sila ng ibang lokasyon upang doon magtrabaho. Dahil sa kakulangan ng mga bakanteng posisyon o hindi sapat ang kita kaya marami ang umaaalis ng bansa upang humanap ng ibang pagkakakitaan.  
  • Mabilis ang paglobo ng populasyon ng mga lugar kung saan maraming mga migrante. Dahil sa sitwasyong ito, maaaring maging over-crowded ang isang lungsod kung saan pumpumta ang mga migrante upang magtrabaho. Isa din itong dahilan ng pagdami ng mga “squatter” sa isang lugar.  
  • Mataas ang kompetisyon ng mga trabahador kaya malaki ang tsansa na mawalan ng trabaho ang mga local’s ng isang bansa. Ito din ang dahilan ng palobo ng bilang ng unemployment sa isang lugar.

Dalawang uri ng Migrasyon  

  1. Internal na Migrasyon – sa loob lamang ng sariling bansa nagpapalipat lipat ang mga tao. Maaaring dahil nakapag-asawa ito ng taga ibang lugar o dahil sa paghahanap ng mas malaking kita sa mga lungsod.
  2. Internasyonal na Migrasyon – Sa labas ng bansa naman lumilipat ang mga tao upang doon manirahan. Maaaring dahil din sa mas malaking oportunidad sa trabaho kaya sila lumilipat ng ibang bansa.  

Iba pang mga link para sa migrasyon:

DAHILAN NG MIGRASYON: https://brainly.ph/question/985222

Migrasyon ngayon epekto: https://brainly.ph/question/2153138

Introduction ng migrasyon: https://brainly.ph/question/975413

#LetsStudy