Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng maraming kaalaman. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

ibang katangian ng elemento ng epico​

Sagot :

Answer:

Mga Elemento ng Epiko

Ang mga sumusunod ay ang elemento na bumubuo sa isang epiko:

Banghay – Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Ito ay maaring maging payak o kompikado. Ang banghay ng isang epiko ay nahahati sa limang bahagi: ang simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas.

Matatalinhagang salita – Ang mga matatalinhagang salita ay ang mga salitang hindi nagbibigay ng direktang kahulugan.

Halimbawa:

Balat sibuyas – mahiyain

mapaglubid ng buhangin – sinungaling

Sukat at Indayog – Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa epiko, may tiyak na sukat na sinusunod, ito ay wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig, at lalabingwaluhing pantig.

Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari. Naapektuhan nito ang takbo ng kwento, kaugalian at desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay daan din ito upang malinawan ang mga mambabasa sa banghay, paksa, at tauhan ng kwento.

Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa madaling salita, ang tauhan ay ang mga kumikilos sa akda. Sa kwento ng kabayanihan, ang mga tauhan ay karaniwang may taglay o angking kapangyarihan.

Tugma – Ang tugma ay laging matatagpuan sa huling pantig ng bawat taludtod. Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga pantig sa dulo ng salita.