Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
- Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan.
- Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga salitang matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaaring binubuo ng mga idyoma. Ang bawat kasabihan ay may nakatagong kahulugan. Ang mga salawikain ay binubuo ng mga taludtod, mayroong mga sinulat na magkakatugma at mayroon namang hindi. Ito ay na-aayon sa opinion at saloobin ng indibidwal na gumawa o sumulat nito.
- Ang sawikain o idyoma (idiomatic expression) ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
- Ang bugtong ay isang matalinghagang palaisaipan. Ito ay binubuo ng isang pangungusap o tanong na kadalasang nilalaro ng mga batang pinoy, at ng mga nakakatanda. Ito ay may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan.
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.