IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Ang Pilipinas ay isang kapuluan na naglalaman ng humigit-kumulang 7,641 na mga pulo[1][2] na may kabuuang lawak na 300,000 km2. Ang Labingisang pinakamalaking mga pulo ay sumasakop sa ika-94 na bahagdan ng kabuuang lawak ng lupa. Ang pinakamalaki sa mga ito ay ang Luzon na may lawak na 105,000 km2. Ang sunod na pinakamalaking pulo ay ang Mindanao na may 95,000 km2. Ang kapuluan ay mahigit kumulang na 800 kilometro mula sa mainland ng Asya at matatagpuan sa pagitan ng Taiwan at Borneo.
Explanation:
Ang kapuluan ng Pilipinas ay nahahati sa tatlong mga pangkat ng pulo: ang Luzon, Kabisayaan, at Mindanao. Ang mga pulo ng Luzon ay sumasakop sa Luzon mismo, Palawan, Mindoro, Marinduque, Masbate, Romblon, Catanduanes, Batanes at Polillo. Ang Visayas ay ang pangkat ng mga pulo sa gitnang Pilipinas, kung alin ang pinakamalalaki ay ang: Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, Samar, Siquijor, Biliran at Guimaras. Ang mga pulo ng Mindanao ay sumasakop sa Mindanao mismo, Dinagat, Siargao, Camiguin, Samal, pati na rin ang Kapuluan ng Sulu, pangunahin na binubuo ng Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Huwag kalimutang bumalik upang magtanong at magbahagi ng iyong karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.