IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Sumulat ng limang pangugusap gamit ang pahayag na nagbibigay ng patunay.​

Sagot :

Answer:

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY

1. Nagpapahiwatig -> ang tawag sa pahayag na hindî direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan nitó ay masasalamin ang katotohanan.

Halimbawa:

Ang pagtulong ng St. Agnes Academy sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda ay NAGPAPAHIWATIG ng pagiging Benedictine School nitó.

2. Nagpapakita -> nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay o totoo.

Halimbawa:

Ang tulong mulâng iba't ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong piso ang NAGPAPAKITA sa likas na kabutihang-loob ng mga tao anuman ang kulay ng balat at lahing pinanggalingan.

3. May Dokumentaryong Ebidensiya -> ito ay mga patunay na maaaring nakasulat, larawan, o video. Sa madaling salita, ang ginawang pagtulong ng St. Agnes Academy, halimbawa, ay naibalita sa pahayagan o nakuhanan ng larawan o video.

4. Nagpapatunay/Katunayan -> ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.

5. Taglay ang Matibay na Kongklusyon -> ang tawag sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba o impormasyon.

6. Kapani-paniwala -> nagpapakitang ang ebidensiya ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.

7. Pinatutunayan ng mga Detalye -> Makikita mulâ sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang katotohanan sa pahayag.

Halimbawa:

PINATUTUNAYAN lámang NG nabanggit na MGA DETALYE na ang St. Agnes Academy ay isang tunay na Benedictine School