Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

pa answer po thanks po

Pa Answer Po Thanks Po class=

Sagot :

Answer:

  1. Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman at halamang-singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot at iba pang mga produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng mga tao.[1] Naging susi ang agrikultura sa pagsulong ng kabihasnan na nagdolot sa pamumuhay na nakahimpil lamang o sedentary. Nangyari ang ganoong uri ng pamumuhay dahil ang pagpapaamo o pagdomestikado ng mga espesye ay nakalikha ng mga kalabisan sa pagkain.
  2. Sa larangan ng ekonomiya, ang iba't ibang uri ng pagmamanupaktura at mga serbisyo ay pinaghihiwala-hiwalay sa mga pangkat na tinatawag na mga industriya.[1] Ang industriya ay ang produksiyon ng isang kalakal na pangkabuhayan o paglilingkod na nasa loob ng isang ekonomiya.[2] Maraming mga uri ng iba't ibang mga industriya, katulad ng pagmimina, pagsasaka, at pagtotroso.
  3. Ang kalakalan ay isang kusang palitan ng mga produkto, serbisyo, o pareho. Tinatawag din ng kalakalan ang komersyo. Ang mekanismo na pinapahintulutan ang kalakalan ay tinatawag na pamilihan. Ang pinagmulan ng kalakalan ay baligya, ang tuwirang palitan ng mga produkto at mga serbisyo. Ang mga makabagong mangangalakal ay nakikipagkasundo nang pangkalahatan sa halip, sa pamamagitan ng midyum ng palitan, tulad ng salapi. Ang bunga nito ay ang paghihiwalay ng pamimili sa pagtitinda, o pag-iipon.