Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mabilis at maaasahang mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Panuto Maghanap ng balita ukol sa korapsyon Kaugnay ng mga pangyayari sa pabulang "Ang Puting Tigre ", ipaliwanag kung paano sinasagisag ng mga tauhan ang suliranin ng korapsyon​

Sagot :

Answer:

Ang Puting Tigre

Sa malayong lugar sa kabundukan ng Kumgang sa Korea may naninirahang mag-ina doon, siya ay naulila na sa ama sapagkat ang kanyang ama ay hindi na bumalik sa kanilang tahanan mula ng ito umalis upang mangaso at hanapin ang puting tigre upang ito ay paslangin.

Ang Tigre  ay naninirahan sa kabundukan ng Kumgang, ito ay malaki at mabagsik. Ang tigre ay mayroong kasamang uwak na siyang nagtuturo dito ng mga bibiktimahin nito. Ang Tigre at ang uwak ay bumababa sa kabundukan. Wala itong pinipiling bibiktimahin mapa hayop man o tao.

Ang batang naulila ay lumaking may malaking galit sa tigre kung kaya ipinangako nito na kanyang papatyin ang tigre upang ipaghiganti ang kanyang ama. Kung kaya ng ang batang lalaki ay tumuntong ng edad na labinlima. Ito ay nagpaalam sa ina na kanyang papatayin ang puting tigre sa kabundukan. Pinayuhan nito ang anak na mag-isip muna. Nangako ang lalaki sa ina na kaya niyang hanapin ang puting tigre. Pumayag ang ina sa isang kondisyon. Kailangan niya magawa ang mga kakayahan ng kanya ama upang siya ay payagan nito. Nabigo ang anak sa unang pagsubok na pinagawa ng kanyang ina. Kung kaya ang kanyang plano ay naudlot at kanyang ipinagpaliban. Kinakailangan niyang magsanay. Sa loob ng tatlong taon ang lalaki ay nagsanay. Nang matapos ang kanyang pagsasanay ipinakita niya ito sa kanyang ina, nagulat ang ina nakayanan niya itong gawin kung kaya sinabi uli nito ang isa pang kakayanan ng ama nito. Sinubukan muli ng lalaki ang kakayanang ito ng kanyang ama ngunit siya ay nabigo kung kaya siya ay muling nagsanay ng tatlong taon upang magawa ito. Sa kanyang pagbabalik sa ina, ipinakita niya ang kanyang kakayahan. Lingid sa kanyang kaaalaman ang mga pinagawa sa kanya ng kanyang ina hindi naging kakayahan ng kanyang ama. Ginawa lang nito iyon upang ang kanyang isipan ay mabago ngunit dahil sa kanyang pagpupursige ang mga kaalamang ito ay kanyang nakamit. Walang nagawa ang kanyang ina kundi pumayag sa nais niya. Pumunta siya sa kabundukan.

Sa kabundukan nakilala niya ang isang matandang babae na nagpapatuloy ng mga mangangaso sa kanyang tahanan. Siya ay tinanong nito kung ano ang kanyang pakay dooon at kanya sinabi ang pakay. Binalaan siya ng matandang babae. Sinabi ng matanda na natatandaan nito ang kanyang ama at muli narinig niya sa matanda ang mga kakayahan ng kanyang ama. Kung kaya ang binata ay nagsanay muli at bumalik sa matandang babae ngunit sinabi uli ng matanda ang isa pang kakayahan ng kanyang ama. Kung kaya ang binata ay nagsanay muli at bumalik sa matandang babae. Napagtagumpayan niyang magawa ang pagsubok na iyon. Kung kaya ang binata ay hindi na napigilan ng matandang babae.

Matiyagang hinanap ng binata ang puting tigre. Isang araw habang siya ay kumakain mayroong isang pulubi ang lumapit sa kanya upang humingi ng makakain at ito ay kanyang binigyan. Tinanong siya nito kung ano ang kanyang pakay. Sinabi niya dito ang kanyang pakay. Sinabi ng pulubi na kayang kaya siyang paslangin ng tigre.  

Ngunit desidido ang binata sa kanyang pakay , sinabi niya dito na kailangan niyang gawin iyon para sa kanyang ama. Kung kaya sa huli pinayuhan siya ng matanda na maging maliksi at mapangmasid. Sinabi nito kapag nakakita siya ng maliit na puting tuldok kinakailangan na barilin niya ito na walang mintis kung hindi masasayang lamang ang lahat ng kanyang pinaghandaan.

Nagpatuloy ang binata sa paghahanap. Naramdaman ng Tigre na mayroon siyang kalaban.  

Isang araw habang nag aabang ang tigre ng bibiktimahin. Nakita ng binata ang puting tuldok agad niyang binaril ito. Pinuntahan niya ang kanyang binaril nakita ng binata ang nakahandusay na tigre. Agad niya itong pinatay. Doon nakita din ng binata ang isang dalaga na walang malay. Dagli niya itong pinainom ng tubig. Nagulat ang dalaga at agad na nagpasalamat sa kanya at ikinuwento kung paano siya napunta doon. Sa kanilang pagkwekwentuhan nakarinig siya ng anas ng isang tao. Kanila itong pinuntahan. Nakita nila doon ang isang matandang lalaki sa isang sulok. Nalaman ng binata na iyon pala ang kanyang ama. Puno ng galak ang binata at kanyang pinasalamatan ang panginoon. Kanyang nasabi na kung iyong ninanais ka at pagsisikapan mo itong makamtan ay higit pa sa iyong inaaasahan.

Ang Puting Tigre ay isang pabula mula sa bansang Korea. Kinabibilangan ito ng iilang mga tauhan. Ang pangunahing tauhan ay ang binata na nakipagsapalaran upang mahanap at mapaslang ang puting tigre upang ipaghiganti ang kanyang ama. Ang ina ng binata at mga matatandang babae na sinubikang pigilang ang binata na hanapin ang puting tigre. Kasama rin dito ang isang magandang dalagang nakatuluyuyan ng binata sa huli.