IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

Magbigay ng iyong sariling pananaw o konsepto ng katapatan sa pag-ibig

Sagot :

Answer:

Maging tapat sa inyong sarili, sa kapwa, at sa Diyos sa lahat ng panahon. Ang ibig sabihin ng pagiging matapat ay ang piliing huwag magsinungaling, mandaya, o manlinlang sa anumang paraan. Kapag kayo ay tapat, pinalalakas ninyo ang inyong pagkatao at dahil dito ay makapaglilingkod kayo nang lubos sa Diyos at sa iba. Bibiyayaan kayo ng kapayapaan ng isipan at paggalang sa sarili. Pagtitiwalaan kayo ng Panginoon at magiging karapat-dapat na makapasok sa Kanyang mga banal na templo.

Ang pagiging hindi matapat ay nakasasakit sa inyo at sa iba. Kapag kayo ay nagsisinungaling, nagnanakaw, nangungupit, o nandaraya, pinipinsala ninyo ang inyong espiritu at ang pakikipag-ugnayan ninyo sa iba. Ang pagiging tapat ay magpapaganda ng inyong mga oportunidad sa hinaharap at magdaragdag sa inyong kakayahang magabayan ng Espiritu Santo. Maging tapat sa paaralan; piliing huwag mandaya sa anumang paraan. Maging tapat sa inyong trabaho, na tinutumbasan nang husto ang buong halagang ibinabayad sa inyo. Huwag mangatwiran na tanggap naman ang pagiging di-matapat, kahit isipin pa ng iba na hindi ito mahalaga.