IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

B. Bumuo ng mga pangungusap na walang paksa batay sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Ika-6 ng gabi
________________________________________________

2. Nanalo ka sa isang paligsahan
________________________________________________

3. Nalaglag ang baon mo sa paaralan
________________________________________________

4 Kaarawan ng iyong ina
________________________________________________

5. Ika-12 na ng tanghali
________________________________________________



MGA PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA

Sa gramatikang Filipino, may mga pangungusap na walang paksa ngunit buo ang diwa na ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Narito ang halimbawa ng mga pangungusap na walang paksa.

1.Pangungusap na Eksistensyal
- Nagpapahayag ng pagkakaroon ng isa o higit pang tao, bagay, at iba pa. Pinangungunahan ito ng may o mayroon.

Halimbawa:
a. Ang ngiti ay (may) sayang dulo sa pinagbibigyan nito.

2. Pangungusap na Pahanga
- Nagpapahayag ng damdamin ng paghanga.

Halimbawa:
a. Kayganda ng tanawin sa dalampasigan kapag lumubog ang araw!
b. Matalino ka pala!

3. Maikling Sambitla
- Binubuo ng mga iisahan o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
a. Aray!
b. Takbo na!

4. Pangungusap na Pamanahon
- Nagsasaad ng oras o uri ng panahon ang ganitong pangungusap.

Halimbawa:
a. Mainit ngayon.
b. Maaga pa.

5. Pangungusap na Pormalasyong Panlipunan
- Nagsasaad ng pagbati, paggalang, at iba pa na nakagawian na sa lipunang Pilipino.

Halimbawa:
a. Magandang umaga po.
b. Mano po.

Pwede pong patulong sagotan thank you po​


Sagot :

PANGUNGUSAP NA WALANG PAKSA

> Ang pangungusap na walang paksa ay ang mga pangungusap na hindi nagsasaad ng sapat na impormasyon o mga pangungusap na hindi gaanong kumpleto dahil sa wala itong paksa o hindi matutukoy ang paksa, ngunit gaya ng nakasaad sa taas sa gramatikang Filipino, may mga pangungusap na walang paksa ngunit buo ang diwa na ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Panuto: Bumuo ng mga pangungusap na walang paksa batay sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Ika-6 na gabi

  • Ika-6 na gabi na pala! - Maikling sambitla

2. Nanalo ka sa isang paligsahan

  • Nanalo ako! - Pangungusap na pahanga

3. Nalaglag ang baon mo sa paaralan

  • Tinanong ko sila kung may nakakita ba sa nalaglag kong baon sa paaralan - Pangungusap na Eksistensyal

4. Kaarawan ng iyong Ina

  • Maligayang kaarawan po - Pangungusap na Pormalasyong Panlipunan

5. Ika-12 ng tanghali

  • Mainit na ngayong ika-12 ng tanghali - Pangungusap na pamanahon

#CarryOnLearning