IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Isulat sa patlang kung sino-sinong tao ang nakaimpluwensiya sa iyong pananaw sa buhay at isulat sa kahon kung paano ito nakaimpluwensiya sa iyo.​

Isulat Sa Patlang Kung Sinosinong Tao Ang Nakaimpluwensiya Sa Iyong Pananaw Sa Buhay At Isulat Sa Kahon Kung Paano Ito Nakaimpluwensiya Sa Iyo class=

Sagot :

Answer:

Pamilya - Sila ang kasama ko sa paglaki at ang mga aral na kanilang ipinapakita at ipinapasunod sa akin ang siyang naging daan upang maimpluwensyahan ang aking pananaw sa buhay. Sila ang nag- mold at gumagabay sa akin kaya hindi malayong 'di nila ako maimpluwensyahan sa kanilang pananaw sa buhay.

Kaibigan- Bukod sa mga magulang ay nakakasama ko rin ang aking kaibigan at alam nating lahat na kung nakakasama mo ang isang tao sa lahat ng oras ay hindi imposibleng' di magiging iisa ang pananaw niyo sa mga bagay-bagay.

Guro - Sila ang nagtuturo sa atin ng mga aral hindi lamang tungkol sa academics kun'di pati na rin sa mga aral na mapupulot tungkol sa buhay ng isang tao. Nakakasama natin sila limang beses sa isang linggo at naiimpluwensyahan nila tayo sa pamamagitan ng pagtuturo.

Stranger - Mas maiging makipag-usap sa estranghero dahil walang panghuhusga at hindi natin namamalayang sa pakikipag-usap nating ito, unti-unti na tayong naiimpluwensyahan higgil sa ating pananaw sa buhay.

Vlogger (Choose the person of your choice) - Madalas tayong nakatutok sa kahit na anong social media platforms at hindi maipagkakailang tayo ay nae-engganyo sa ating mga nakikita laong-lalo na sa pagiging successful ng isang tao. Kadalasan sa mga vlogger ay nag-umpisa sa wala at ngayon ay successful na sila sa kanilang buhay. Ang storya nilang ito ang nag-uudyok sa atin upang huwag sumuko sa anumang hatol ng buhay at magpatuloy dahil sa huli ng hirap ay may kaginhawaan. Sa ganitong paraan, nababago o naiimpluwensyahan kung paano natin i-view ang buhay.

Kaklase- Katulad ng sa guro, nakakasama natin sila ng limang beses sa isang linggo at sa mga araw na ito at sa mga nabuong pagsasama, hindi natin namamalayan na naiimpluwensyahan na nila ang ating pananaw sa buhay.

Kakilala (Choose the person of your choice) - Naiimpluwensyahan tayo ng ating kakilala katulad ng kung paano tayo naiimpluwensyahan ng mga vlogger at stranger.