Bakit kaya sumisingaw
Sa bulaklak na sisidlan
Ang lahat ng kabanguhan
Ngayong mayroong pagdiriwang?
At bakit sa kagubata'y
May matimyas na awit
Kawangis ng katamisan,
Kay Filomena lang utang?
Bakit kaya sa damiuhan,
Ay kasabay ng amihang
Tila mandin may lambingan
Sa sanga'y nagluluksuhan?
At ang batisna malinaw,
Ay may dalang alingawngaw,
Na sa hangi'y sumasabay,
Sa bulaklakan ang daan?
Ano't ngayon sa silanga'y
Tanaw ko ang kagandahan
Lalo niyang bagong araw,
Na ang noo'y kumikinang?
Pagka't ngayo'y kaarawan
Ng ina kong mapagmahal
Kaya naman mayroong alay
Ang ibon at bulaklakan
At ang batis na maingay
Sa araw mong matagumpay
Ay para ring nagdarasal
Na Masaya kang mabuhay
At sa ingay ng batisan
Ang awit ko ay pakinggan,
Na "laud" ko ang kabagay,
Simbuyo ng pagmamahal.
Ito'y inihandog ni Rizal sa kaarawan ng kanyang Ina.