IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Answer:
Ang wika bilang instrumento ng Komunikasyon
Ang wika ay nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito’y isang masistemang gamit sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito’y isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.
Ang wika ay nagagamit bilang instrumento ng komunikasyon dahil ginagamit ang wika upang ipahayag ang ating damdamin, pangangailangan, at iniisip sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng isang tao sa lahat ng pagkakataon.
- Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
- Ayon kay George Lakoff, ang wika ay politika, nagtatakda ng kapangyarihan, kumukontrol ng kapangyarihan kung paanong magsalita ang tao at kung paano sila maunawaan.
- Ayon naman kay Jose Villa Panganiban, ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.
- Ayon kay Nenita Papa, ang wika ang ginagamit natin upang malayang maipahayag ang ating iniisip at nadarama.
- Ayon kina Pamela Constantino at Monico Atienza, ang wika ay mahalagang kasangkapan sa pag-unlad kapwa ng indibidwal at ng bansa.
Katangian ng Wika bilang Instrumento ng Kounikasyon
- Ang wika ay sinasalitang tunog - masasabing ang wika ay wikang sinasalita, ang mga nakasulat na mga salita ay larawan o simbolo lamang ng wikang ginagamit.
- Ang wika ay masistemang balangkas - ito ay ang palatunugan (ponolohiya), palabuuan(morpolohiya), at palaugnayan(sintaks). Mapapatunayan din ito sa pamamagitan ng kataga, ang gamit ng katinig at patinig sa pagbuo ng salita (PK, KP, KPK, KKP, KPKK, KKPK, KKPKK). Gayundin ang gamit, ayos at anyo ng pangungusap (nauuna ang simuno sa panaguri o ang panaguri sa simuno).
- Ang wika ay Arbitraryo - ang wika ay pinili at isinaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan sa isang pook o lugar.
- Ang wika ay daynamiko - patuloy na lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya kailangang mabago rin ang ortograpiya at alpabeto maging ang sistema ng palabaybayan.
- Ang wika ay nakabatay sa Kultura - sa pamamagitan ng wika, nakakaalam at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon, mithiin at paniniwala ang mga tao.
- Ang wika ay Malikhain - malikhain ito sa paraang nakabubuo tayo ng tula, kuwento, awitin, sanaysay at iba pang akdang pampanitikan gamit ang wika.
- Ang wika ay natatangi – may kanyang set ng mga tunog, mga yunit panggramatika at kanyang sistemang palaugnayan. Ang bawat wika ay may katangiang pansariling naiiba sa ibang wika.
- Ang wika ay may antas - Pormal (pampanitikan/panretorika) at Di-Pormal (lalawiganin, kolokyal, balbal at bulgar).
Ang wika ay may taglay na malalim, malawak at natatanging kaalaman at karunungan. Kung mahusay nating magagamit ito sa ating buhay at iba-iba pang mga aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga ito ng kaunlaran at karunungan. Ang wikang ito na mahiwaga na nagpababatid ng mga kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran kung ito'y lubos at puspusang pinapairal sa iba't-ibang larangan at disiplina.
Samakatuwid, napakahalaga ng wika sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa mga link na nasa ibaba:
Essay tungkol sa: Wikang Katutubo Tungo Sa Isang Bansang Filipino: brainly.ph/question/2341798
Antas ng Wika at mga Halimbawa: brainly.ph/question/504509
Sanaysay tungkol sa Konseptong Pangwika: brainly.ph/question/1523794
Kahalagahan ng Wika: brainly.ph/question/610487
#LetsStudy
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!