Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Ang hugnayang pangungusap ay isang uri ng pangungusap na binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa (independent clause sa Wikang Ingles) at isang sugnay na hindi nakapag-iisa (dependent clause sa Wikang Ingles). Narito ang 5 halimbawa ng hugnayang pangungusap:
- Bibigyan kita ng tsokolate kung mag-aaral ka nang mabuti.
- Gusto kong manood ng sine pati kumain ng keyk.
- Gaganda ang ating buhay kapag naging malinis ang ating kapaligiran.
- Nakapasyal kami sa ibang bansa dahil sa pag-iipon ng aking kuya.
- Gusto kong bumili ng laruan subalit hindi sapat ang aking ipon.
Narito ang iba pang detalye tungkol sa mga hugnayang pangungusap:
Kahulugan ng Hugnayang Pangungusap
- Ang hugnayang pangungusap ay isang uri ng pangungusap na binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa (independent clause sa Wikang Ingles) at isang sugnay na hindi nakapag-iisa (dependent clause sa Wikang Ingles).
- Ang mga hugnayang pangungusap ay gumagamit mga pang-ugnay.
Mga Pang-ugnay na ginagamit sa mga Hugnayang Pangungusap
Narito ang halimbawa ng mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsusulat ng mga hugnayang pangungusap.
- ngunit
- subalit
- upang
- kaya
- dahil sa
- kapag
- saka
- kung
- pati
Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:
- Ano ang kahulugan ng pang-ugnay at mga halimbawa nito? https://brainly.ph/question/522014 at https://brainly.ph/question/6083
- Ano nga ba ang mga pang-ugnay? https://brainly.ph/question/645641
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.