IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Anong ibig sabihin ng suliranin?

Sagot :

Ang ibig sabihin ng suliranin ay ito ay anumang bagay na kailangang lutasin at masolusyonan. Ang mga suliranin ay karaniwang hindi kaaya-aya para sa isang tao, lugar, o bagay. Ang mga ito ay mga pagsubok na kailangang lampasan bilang bahagi ng pag-iral ng isang tao, lugar, o bagay. Ang salitang suliranin ay kilala rin sa Wikang Ingles bilang "issue".

Ibig Sabihin ng Suliranin

  • Ang suliranin ay isang salita na tumutukoy sa anumang bagay na kailangang lutasin at masolusyonan.
  • Ang mga ito ay mga pagsubok na kailangang malampasan upang maging mas maayos ang isang partikular na sitwasyon.
  • Ang salitang suliranin ay kilala rin sa Wikang Ingles bilang "issue".

Mga Paraan kung Paano Solusyonan ang Suliranin

Narito ang mga paraan kung paano maaaring ma-solusyonan ang isang suliranin.

  1. Tukuyin o alamin ang totoong suliranin na kailangang ayusin.
  2. Pag-aralan ang mga paraan o "option" na maaaring tahakin upang mapagdesisyunan ang mga mabisang paraan kung paano ayusin ang isang suliranin.
  3. Gawin ang napiling mga paraan kung paano ayusin ang suliranin.
  4. Gumawa ng pagsusuri kung ano pa ang maaaring tahakin upang maiwasan na maulit muli ang parehong suliranin.  

Mga Halimbawa ng Suliranin

Narito ang ilang mga halimbawa ng suliranin:

  • suliraning pang-kapaliguran
  • suliraning panlipunan
  • at iba pa

Iyan ang ibig sabihin ng suliranin. Kung nais mo pang makapagbasa ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang mga links na maaari mong i-click:

  • Iba pang kahulugan ng suliranin: https://brainly.ph/question/352595 at https://brainly.ph/question/756950
  • Mga halimbawa ng pangungusap gamit ang salitang "suliranin": https://brainly.ph/question/1075041