.
Mga Impluwensiya ng Animismo sa NgayonNgayon, tinatayang may dalawang porsyento pa rin ng mga Pilipino ang animista. Karamihan sa mga animista sa Pilipinas sa kasalukyan ay mga pangkat na katutubo. Maski na rin halos lahat ng mga Pilipino ay mga Katoliko, may mga paniniwala pa rin ang mga Pilipino na masasabing nag-uugat sa mga paniniwalang animismo. Halimbawa, laganap pa rin ang paniniwala ng mga Pilipino sa masasamang ispiritong tulad ng aswang at barang na nagdudulot ng panganib. Ang mga paniniwala sa mga duwende, nuno sa punso at mga diwata ay masasabing ugat din ng animismo.Pati ang paniniwalang Katoliko ng mga Pilipino ay nahahaluan din ng animismo. Ang pag-aalay ng itlog sa istatwa ni Sta. Clara upang makasigurong hindi uulan ay isang halimbawa nito.Sanggunian