IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Ang haiku ay isang uri tula na mula sa mga Hapon. Hokku ang unang pangalan nito. Marami ng bersyon ang haiku pero ang karaniwang bersyon nito ay may tatlong linya. Ang bilang ng pantig ay 5-7-5 o may kabuuang bilang na 17 na pantig. Ito ay maaaring may tugma o wala. Ang haiku ay maikli lamang, ngunit naglalaman ito ng damdamin ng manunulat.
Narito ang ilang halimbawa ng haiku:
"Wala ng iba
Ikaw lamang at ako
Pang habang buhay."
"Sa dulo nito
Ikaw lamang at ako
Hindi bibigo."
"Ang payo ko lang
Makipagkaibigan
Sa maiinam."
"Diwa ko’t puso
Ay para lang sa iyo
Minamahal ko."
"Pag-aasawa
Di kaning iluluwa
Kapag ayaw na."
Para sa dagdag na halimbawa ng haiku, alamin sa link:
https://brainly.ph/question/2348671
#BetterWithBrainly