IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Kahulugan ng Panuto
Ang panuto ay nangangahulugang mga tagubilin, gabay o direksyon sa pagsasagawa ng mga gawain. Ito ay kailangang sundin upang maging tama, tiyak at maayos ang mga gagawin at nakatutulong din ito sa mas mabilis na paggawa.
May dalawang uri ng batay sa kung paano ito ibinigay. Maaring ito ay:
- pabigkas na panuto
- pasulat na panuto
Ang pagsunod sa panuto ay napakahalagang maunawaan bago gawin ang isang gawain. Upang lubusang makasunod sa mga panuto, kailangang unawaing mabuti ang kahulugan ng bawat salitang ginamit dito. Ang maayos na pagsunod dito ay isang pagpapatunay lamang na ang bumabasa, nakikinig at sumusunod ay mga taong madaling makaintindi at makaunawa. Ang hindi pagsunod dito ay pagpapatunay lamang ng kamangmangan o pagwawalang-bahala. Maraming pagkakamali, pagkalito o pagkagambala ang bunga ng hindi pagsunod sa mga panuto.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsunod sa mga Panuto
- Mahalagang unawaing mabuti ang isinasaad na panuto. Kung nakasulat, basahing mabuti o unawain. Kung pasalita, pakinggan mabuti ang nagbibigay ng panuto.
- Kung mahaba ang panuto, itala ang mahahalagang detalye at impormasyon.
- Kung hindi nalinawan, magalang na ipaulit ang panutong hindi naunawaan.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa panuto, magtungo sa mga link na: brainly.ph/question/2120370, brainly.ph/question/2170530, brainly.ph/question/53796
#LetsStudy
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.