Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.

kahulugan ng malirip


Sagot :

Kahulugan ng Malirip

Ang salitang malirip ay binubuo ng unlapi at salitang ugat na lirip. Ang kahulugan nito ay mabatid, maisip o malaman ang katotohanan o halaga ng isang bagay o pangyayari. Dito pumapasok ang pagninilay-nilay o pagmumuni-muni ng isang tao upang mas maintindihan ang isang sitwasyon. Ito ang maingat at malinaw na pag-unawa. Sa Ingles, ito'y comprehend.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin sa pangungusap ang salitang malirip para mas maging pamilyar dito. Narito ang halimbawa:

  • Kahit anong gawin ko ay hindi ko malirip kung bakit nagawa ni tatay na iwan kami.

  • Sana ay malirip ng mga kabataan kung gaano sila kaswerte dahil nakapag-aaral sila. Sana ay hindi nila sayangin ang kanilang pagkakataon.

  • Bigyan mo ako ng tatlong araw upang malirip ko ang solusyon sa ating problema.

Kahulugan ng ibang salitang Tagalog:

https://brainly.ph/question/109655

#LearnWithBrainly