IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

Anu sa tagalog yung motivation?

Sagot :

Tagalog ng Motivation

Ang motivation ay salitang Ingles na motibasyon sa salitang Tagalog. Motibasyon ang literal na tagalog sa pagsasalin ng salita. Ang iba pang kahulugan o katumbas ng salitang motibasyon ay ang mga sumusunod;

  • Inspirasyon
  • Dahilan ng paggawa ng isang bagay
  • Pagkakaroon ng Interes
  • Nag-udyok upang gawin
  • Naghikayat upang gawin

Sa ibang salita, ang motibasyon ay ang sanhi o dahilan ng paggawa ng isang bagay. Maaaring ito ang udyok upang ipagpatuloy o magpursige sa isang hangarin o ninanais. Ang motibasyon ang sinasabing pagkakaroon ng lakas ng loob at pagharap sa lahat ng pasubok sa pagpapatuloy ng buhay.

Paggamit sa Motibasyon sa Pangungusap

  • Ang pamilya ko ang aking motibasyon upang magtrabaho sa ibang bansa kahit mahirap.
  • Motibasyon ko ang pag-ahon sa kahirapan kaya nagsusumikap akong makatapos ng pag-aaral.
  • Nawawala sa landas at tinatamad ang mga kabataan kapag wala silang motibasyon sa buhay.

Para sa ibang kahulugan ng motivation https://brainly.ph/question/95061

Para mabasa ang ibang related na imporasyon tungkol sa motivation https://brainly.ph/question/1010130

Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng motibasyon sa pagtatagumpay ng Isang tao https://brainly.ph/question/1583400

#BetterWithBrainly