Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.
Sagot :
Answer:
Ang salitang isinisiwalat ay mula sa salitang-ugat na siwalat na nangangahukugang ibinunyag. Kasing-kahulugan din ito ng ipinapaalam, sinasabi, at rebelasyon. Ito ay nangangahulugang pagpapakita o pagsasabi ng katotohanan o lihim na sa kaanyuan ay itinatago o sadyang hindi sinasabi at hindi nalalaman ng mga taong kasangkot at apektado sa impormasyon.
Explanation:
Halimbawa ng Isinisiwalat sa pangungusap:
- Mariing pinanindigan ni Ana ang mga isiniwalat nyang korupsyon sa kanilang ahensya.
- Isiniwalat ng mga manunulat ang lugar na pinagtataguan ng suspek sa pagpatay
- Isiniwalat ng mga pulis ang pugad ng mga tulak ng ipinagbabawal na gamot sa bayan ng Laguna
Kasing-kahulugan ng salitang Isinisiwalat
- Rebelasyon
- Binulalas
- Ipinaalam
- Sinabi
Narito ang iba pang salitang kasing-kahulugan ng isiwalat: https://brainly.ph/question/696470
Kasalungat ng salitang Isinisiwalat
- Tinago
- Nilihim
- Kinubli
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Sama-sama tayong magtatagumpay. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Bumalik ka ulit para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.