Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Apat na Uri ng Bigkas ng mga Salita:
- malumay
- malumi
- mabilis
- maragsa
Malumay ang bigkas ng mga salita kung ang mga salita ay nilalagyan ng diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan, banayad at walang antala sa huling pantig, walang kudlit, at maaaring magtapos sa katinig o patinig.
Mga Halimbawa:
- aso
- bunga
- malaya
- talino
- katapatan
Malumi ang bigkas ng mga salita kung ang mga salita ay nilalagyan ng diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan, may impit sa dulo, nagtatapos sa patinig, at ginagamitan ng tuldik na paiwa ( \ ).
Mga Halimbawa:
- bato
- labi
- lupa
- pagsipi
- mayumi
Mabilis ang bigkas ng mga salita kapag ang mga ito ay binibigkas ng tuloy tuloy, may diin sa huling pantig, at walang impit o pasarang tunog sa hulihan, karaniwang nagtatapos sa patinig at ginagamitan ng tuldik na pahilis ( / ) sa ibabaw ng huling pantig.
Mga Halimbawa:
- bagsik
- damo
- ganda
- malakas
- saksak
Maragsa ang bigkas ng mga salita kung ito ay binibigkas ng tuloy tuloy na tulad ng mabilis ngunit may impit o pasarang tunog sa hulihan, karaniwang nagtatapos sa patinig, at ginagamitan ng tuldik na pakupya sa ibabawa ng huling pantig.
Mga Halimbawa:
- bati
- bugso
- bungo
- ngisi
- puso
Upang matuto nang higit pa ukol sa bigkas ng mga salita, basahin ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/160245
https://brainly.ph/question/182187
https://brainly.ph/question/138296
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.