Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

dalawang uri ng paghahambing



Sagot :

DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING

Ang dalawang uri ng paghahambing ay magkatulad at di-magkatulad na paghahambing. Ang dalawang uri ng paghahambing na ito ay ginagamit upang ipahayag o ilarawan ang mga bagay na mas madaling maunawaan ng nakikinig o mambabasa sapagkat maaaring kilala niya ang isa sa mga bagay na inihahambing. Maaaring paghambingin ang mga tao, hayop, halaman, lugar o ideya.

PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD

Ang paghahambing na magkatulad ay paghahambing sa dalawang bagay na may parehong katangian o lebel ng istatus. Halimbawa ng inihahambing na magkakatulad ay mga kambal o mga pareparehong lugar na maunlad. May mga panandang ginagamit sa paghahambing na magkatulad gaya ng mga sumusunod na halimbawa.

MGA HALIMBAWA NG PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD

  1. Magkasintangos ang ilong ng kambal na sina Maria at Marita.
  2. Kawangis ng bulaklak na sampaguita ang hinhin at yumi ni Isabel.
  3. Singtangkad ng aming pintuan ang tatay ni Emman!
  4. Ang puso ni Mang Kanor ay masyadong matigas gaya ng bato sa tabing ilog.
  5. Mistulang buhangin sa tabing dagat ang dami ng mga taong nagpunta sa concert ni Sarah Geronimo sa Mindanao kahapon.

PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD

Ang paghahambing na di-magkatulad ay paghahambing sa dalawang bagay na may iba’t ibang katangian o lebel ng istatus. Maaari ring ihambing na di-magkatulad ang kambal na may iba’t ibang katangian o hitsura. May mga pananda ring ginagamit sa paghahambing na di-magkatulad gaya ng mga sumusunod na halimbawa.

MGA HALIMBAWA NG PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD

  1. Mas matangos ang ilong ni Maria kaysa ilong ng kakambal niyang si Marita.
  2. Higit na maganda ang bahay nina Julia kung ikukumpara sa bahay namin at iba pang bahay ng aking mga kaklase.
  3. Di hamak na mas matatalino ang mga batang kumakain ng gulay kaysa mga batang pihikan sa pagkain.
  4. Hindi gaanong matamis ang niluto mong keyk ngayon kumpara sa keyk na ginawa mo kahapon.
  5. Napakalambing umawit ni Mericris di tulad ng kanyang kapatid na parang laging galit pag kumakanta.Rakista kasi ang kapatid ni Mericris.

Para sa karagdagang kaalaman, buksan ang:

https://brainly.ph/question/346503

https://brainly.ph/question/120895

#LearnWithBrainly

Salamat sa iyong pagsali sa aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagsagot sa mga katanungan. Sama-sama tayong magtatayo ng isang lugar na puno ng kaalaman at pagtutulungan. Ang IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng mga sagot. Salamat at bumalik ka ulit.