IDNStudy.com, kung saan ang kuryusidad ay nagtatagpo ng kalinawan. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

ano ang ibig sabihin ng paleolitiko?

Sagot :

Paleolitiko:

Ang salitang paleotiko ay nagmula sa mga katagang Griyego na paleos at lithos na ang ibig sabihin ay matandang bato o lumang bato. Sa kasaysayan, ito ay tumutukoy sa panahon na kung saan ang pagbabagong – anyo ng tao ay mas nakita o nabigyang – pansin. Ito ay nagsimula sa pagkakatuklas ng apoy na siya ring isa sa pinakamahalagang pangyayari sa panahong ito.

Sinasabing nagsimula ang panahong paleolitiko may dalawa at kalahating milyong taon na ang nakakaraan. Sa panahong din ito naging kapuna – puna ang pagbabago ng itsura ng mga tao mula sa pagiging tila malaking unggoy hanggang sa mag anyong tao o Homo Sapiens. Ang mga taong nabuhay sa panahong ito ay tinatawag na nomadiko na ang ibig sabihin ay mga taong walang permanenteng tirahan. Ang kanilang mga kagamitan ay karaniwang gawa sa kahoy at madaling masira. Mga bagay na hindi angkop sa kanilang pangunahing hanap – buhay ang pangangaso at pangongolekta ng mga halaman sa gubat.

Tatlong Bahagi:

  • Lower Paleolithic Period
  • Middle Paleolithic Period
  • Upper Paleolithic Period

Ang Lower Paleolithic Period ay ang panahon kung saan unti – unting nakita ang pagbabagong – anyo ng tao. Ang pinakamahalagang bahagi nito ay ang pagkakatuklas sa mga Australopithecine. Ang Australopithecine ay tumutukoy sa mga species sa nauugnay na henera ng Australopithecus at Paranthropus. Si Lucy ay isang halimbawa ng mga Australopithecine na nahukay noong panahon ng Lower Paleolithic.

Ang Middle Paleolithic Period ay sinasabing ang panahon ng pagkontrol ng mga Hominid sa kanilang kapaligiran. Sa panahon ring ito nagsimula magpamalas ang mga tao ng kanilang mga artistikong  abilidad na kung saan sila ay gumuguhit sa mga bato at nagpipinta gamit ang kanilang mga katawan bilang canvass. Sa panahong din ito sinubukan ng mga tao na kumain ng shellfish, pagiimbak ng karne gamit ang pagpapatuyo at pagpapausok. Dito rin nagsimula ang kanilang ritwal sa paglilibing.

Ang Upper Paleolithic Period ay sinasabing period ng pagbuo ng kultura ng mga tao. Sa panahong ito umusbong ang mga Cro-Magnon. Dito naganap ang mga pagbabago sa mga gawi, asal at pamumuhay ng mga tao. Sa panahong ito natuto ang tao gumawa ng mga tirahang mistulang campsites. Nagkaroon sila ng pagpapangkat pangkat ng mga tao na tulad ng sa isang modernong lipunan at nagging komplikado ang pamumuhay kasabay ng pag – unlad at pagkakaroon ng maraming pagkain at maunlad na pamumuhay. Umusbong ang kulturang Magdalenian na kung saan ang mga tao ay nagging mangangaso ng reindeer at mangingisda.

Mga Katangian ng Paleolitiko:

  1. ang pagmamay – ari at paggamit ng mga tao ng mga kasangkapang yari sa bato, buto, kahoy, o mga halamang nilala at ginawang mga sisidlang basket,
  2. ang paggamit ng mga tao ng apoy sa pagluluto at pagpapanatili ng temperatura ng kanilang mga katawan
  3. ang pangangaso at pangunguha ng gulay bilang pagkain at pangunahing hanap – buhay ng mga tao
  4. ang pagsusuot ng mga tao ng damit na gawa mula sa mga balat nga hayop
  5. ang paminsan-minsan pagtulog ng mga tao sa loob bg kuweba, at pagtatayo rin ng magagaspang na kubong maaaring tulugan o gawing kanlungan mula sa hangin at ang kawalan ng mga nagsasaka, agrikultura, o mga hayop na inaalagaan

Kahulugan ng Paleolitiko: https://brainly.ph/question/191466

Katangian ng Panahong Paleolitiko: https://brainly.ph/question/752863

                                                       https://brainly.ph/question/371416