IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

Ang mga pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa
A. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
B. Pagbibigay- kahulugan sa konotasyon at denotasyon ng mga salita.
C. pagtukoy sa mga pangunahing tauhan sa maikling kuwento o alamat.
D. pagkilala kung kalian naganap, nagaganap, gaganapin ang kilos
o pangyayari.


Sagot :

Pangatnig at Transitional Devices:

Sagot:  

A

Ang pangatnig at transitional devices ay nakatutulong sa pagsusunod – sunod ng mga pangyayari sa kwento. Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa paguugnay – ugnay ng mga pangungusap at sugnay upang mapagsunod – sunod ng tama ang mga pangyayari sa isang kwento ayon sa tamang gamit nito. Ang pangatnig ay salitang nag uugnay sa dalawang parirala, salita, o sugnay.

Mga Pangatnig:

  • subalit  
  • samantala at saka  
  • kaya at dahil sa

Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa unahan ng pangungusap.

Mga Halimbawa:

  1. Datapwat mayaman at nakaluluwag nga sa buhay, subalit wala naman siyang kaibigan.
  2. Mahal ka niya, subalit hindi pa siya handang ipakita ito sa iyo.
  3. Marami na akong alam tungkol sa iyo, subalit tila hindi pa iyon sapat upang tanggapin ko ang kasal na inaalok mo.

Ang samantala at saka ay kapwa ginagamit na pantuwang.

Mga Halimbawa:

  1. Siya ay maganda saka mabait pa.
  2. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay nakatulala sa telebisyon.
  3. Ang prutas at gulay ay masustansya saka puno ng bitamina.

Ang kaya at dahil sa ay kapwa ginagamit na pananhi.

Mga Halimbawa:

  1. Kaya hindi natututo ang tao dahil labis ang pagmamahal ng Diyos na laging sumasalaba sa atin sa oras ng ating kagipitan.
  2. Siya ay naging matagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap at kasipagan.
  3. Kaya hindi umuunlad ang bansang Pilipinas dahil sa pagmamalabis ng mga taong nasa kapangyarihan.

Kahulugan ng pangatnig: https://brainly.ph/question/287855

Halimbawa ng pangatnig: https://brainly.ph/question/125757

Ang transitional devices ay mga katagang nag uugnay sa pagsusunod – sunod ng mga pangyayari at paglilista ng mga ideya, pangyayari, at iba pa sa paglalahad.

Mga Transitional Devices:

  • sa wakas at sa lahat ng ito  
  • kung gayon

Ang sa wakas at sa lahat ng ito ay kapwa ginagamit na panapos.

Mga Halimbawa:

  1. Sa wakas, naibalik si Arman sa kaniyang pamilya ng maluwalhati at ligtas matapos ang ilang araw na pagapapalutang – luting sa dagat.
  2. Sa lahat ng ito, napagtanto ni Dindo na siya ay labis na minamahal ng kanyang ama.
  3. Sa wakas, natapos din ang lahat ng mga proyektong kinakailangan mong maipasa sa darating na Martes.

Ang kung gayon ay ginagamit na panlinaw.

Mga Halimbawa:

  1. Malinaw ang bilin ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kaniyang pag-aaral.
  2. Maaaring nagkamali ka sa desisyon na ginawa mo kung gayon marapat lamang na tanggapin mo ang kahihinatnan nito ng walang anumang bahid ng pagsisisi.
  3. Si Gng. Ramos ang responsible sa palatuntunan ngayong hapon kung gayon siya lamang ang maaaring magtakda ng mga gawaing kaakibat nito.

Kahulugan ng transitional devices: https://brainly.ph/question/20394