IDNStudy.com, kung saan ang mga eksperto at komunidad ay nagtutulungan para sagutin ang iyong mga tanong. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Ano ang khulugan ng mag dilang angel.

Sagot :

Kahulugan ng Magdilang Anghel

Ang magdilang anghel ay isang sawikain. Ang kahulugan nito ay magkatotoo sana. Ito ay karaniwang sinasambit kung may nasabing maganda ang isang tao at nais mong magkatotoo ito. Ito ay kinumpara sa dila ng isang anghel dahil ang anghel ay kilala bilang mabuti. Wala kang ibang hangad kundi may mangyaring mabuti o maganda sa iyo.

Mga Halimbawang Pangungusap

Ating gamitin ang sawikain na magdilang anghel sa pangungusap. Narito ang ilang halimbawa.

  • Magdilang anghel sana siya sa sinabi niya na makikita ko na ang tatay ko na matagal ko ng hinahanap.

  • Sana ay magdilang anghel ang manghuhula na matatagpuan ko na ang kabiyak ng aking puso.

  • Salamat sa inyong mga mensahe para sa aming pamilya. Magdilang anghel sana kayo.

Mga Sawikain

Ang sawikain ay mga salita o parirala na matalinghaga. Tinatawag din ito na idyoma. Ang kahulugan ng mga ito ay hindi tuwiran. Malalim ang kahulugan ng mga ito at hindi ang literal na kahulugan ng mga salita. Narito ang ilan pang halimbawa ng sawikain at ang kanilang kahulugan.

  • amoy pinipig - mabango

  • asal hayop - masama ang ugali

  • bilang na ang araw - malapit ng mamatay

  • buhok anghel - magandang buhok

  • bumangga sa pader - lumaban sa makapangyarihang tao

  • butas ang bulsa - walang pera

  • isulat sa tubig - kalimutan

  • itaga sa bato - tandaan

  • mababaw ang luha - iyakin

  • maglaro ng apoy - magtaksil

  • mahangin ang ulo - mayabang

  • makalaglag matsing - kaakit-akit

Karagdagang halimbawa ng sawikain o idyoma:

https://brainly.ph/question/352982

#LearnWithBrainly