IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Sanhi at Bunga
Ano ang sanhi?
- Ito ang dahilan, rason o pinagmulan kung bakit nangyari ang isang bagay, lalo na ang isang masamang bagay.
Ano ang bunga?
- Ito ang resulta o kinalabasan sa kanyang ginawa o ang naging epekto ng isang sanhi.
Ang sanhi o cause ay nagsasabi ng mga kadahilanan sa mga pangyayari at ang epekto nito ang tinatawag na resulta o bunga o maaari ring kinalabasan.
Ito ay gumagamit ng mga salitang pang-ugnay sa sanhi at bunga at narito ang mga ilan:
- dahil
- kasi
- sapagkat
- kung
- kapag
Halimbawa:
1. Lasing si Britney, habang nagmomotor kaya na-aksidente si Britney sa daan.
Sanhi: Lasing si Britney, habang nagmomotor.
Bunga: Na-aksidente si Britney sa daan.
2. Dahil sa pagtatapon ng mga basura kung saan-saan kaya naging mabaho at kalat na kalat na ang mga basura sa paligid. May mga sakit na ang mga tao sa kadahilanan sa mga basura na may mga bacteria.
Sanhi: Nagtatapon ng mga basura kung saan-saan.
Bunga: Mabaho at kalat na kalat na ang mga basura sa paligid. May mga sakit na ang mga tao sa kadahilanan sa mga basura na may mga bacteria.
3. Inaral at binasa talaga ni Britney ang kanyang mga lessons kaya malaki ang kanyang kuha sa quiz.
Sanhi: Inaral at binasa talaga ni Britney ang kanyang mga lessons.
Bunga: Malaki ang kanyang kuha sa quiz.
4. Hindi nakatali ang liston (shoelace) ni Britney kaya natumba siya sa kanyang paglakad.
Sanhi: HIndi tinali ni Britney ang kanyang liston.
Bunga: Natumba siya sa kanyang paglakad.
Nagbigay ako ng sample na larawan sa no.4
For more info:
Ano ang sanhi at bunga;
https://brainly.ph/question/2550609
#AnswerForTrees
#BrainlyBookSmart

Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.