IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Kahulugan ng Namumuhi
Ang salitang namumuhi ay binubuo ng panlapi at salitang ugat na muhi. Ang kahulugan nito ay matinding damdamin ng isang tao na dulot ng galit o poot. Ang taong namumuhi ay nasusuklam, naiinis, nasusuya o nayayamot. Maraming sanhi ang nagdudulot ng pagkamuhi. Ito ay maaaring dahil sa pagtataksil, panloloko, pagsisinungaling o iba pang maling gawi.
Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang ilang pangungusap gamit ang salitang namumuhi upang mas maintindihan pa ito:
- Marami ang namumuhi kay Lesley sa trabaho dahil hindi niya inaayos ang kanyang mga gawain.
- Mali man ngunit namumuhi ako sa aking ama dahil iniwan niya kami.
- Namumuhi ang mga tao sa bagong presidente ng bansa dahil hindi niya tinutupad ang kanyang mga pinangako.
Malalim na salitang Tagalog at kahulugan nito:
https://brainly.ph/question/2752020
#LearnWithBrainly
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na maging aktibo at magbahagi ng iyong karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.