IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

ano ang mga salitang nagtatapos sa ap?? asap pls.......


Sagot :

Answer:

Mga Salitang Nagtatapos sa -AP

  • hirap
  • kurap
  • sarap
  • kulisap
  • lasap
  • langhap
  • ulap
  • talukap
  • yakap
  • hanap
  • harap
  • pangungusap
  • usap

Explanation:

Salita

Ang salita ay yunit ng wika na nagbibigay kahulugan. Ito ay binubuo ng isa o higit pang morpema.

Morpema ang pinakamaliit na yunit ng salita. Ito ay binubuo ng mga pinagsamasamang pantig.

Tatlong Uri ng Morpema

  • Morpemang Di Malaya

Ito ay ang mga panlapi.

Halimbawa: Unlapi ma-, nag-

Gitlapi -um, -in

Hulapi -an, -in

  • Morpemang Malaya

Ito ay ang mga salitang ugat o salitang maaaring makapag isa at may kahulugan.

Halimbawa: tawa

kuha

takbo

bata

  • Morpemang Di Malaya at Salitang Ugat

Ito ay ang nabubuo sa pagsasama ng panlapi at salitang ugat.

Halimbawa: nag- + laro = naglaro

mag- + laba = maglaba

-um + bili = bumili

-in + tawag = tinawag

-an + bilis = bilisan

-in + luto = lutuin

Uri o Antas ng Salita

Pormal

Ito ang pinakamataas na uri ng salita. Ginagamit ito sa mga seryosong publikasyon o dokumentasyon.

  • Pambansa

Ito ang wikang ginagamit sa paaralan, simbahan at pamahalaan.

  • Pampanitikan

Ito ang pinakamataas at pinakamayamang antas ng salita. Ito ay ang mga salita na ginagamit ng mga manunulat sa panitikan. Ang mga salitang ito ay masining at matalinghaga.

Di Pormal o Impormal

Ito ang ginagamit ng tao sa araw araw. Ito ang mga salitang palasak.

  • Kolokyal

Salitang nabuo sa pagsasama o pagdudugtong ng salita.

Halimbawa: mayroon - meron

kailan - kelan

  • Balbal

Ito ang pinakamababang uri ng antas ng wika. Tinatawag din ito na "slang". Ito ang mga salitang napauuso ng mga kabataan o kaya ay ang mga gay lingo.

Halimbawa: nanay - madir

malupit - petmalu

paalam - babush

sarap - rapsa

totoo - trulalu

  • Lalawiganin

Ito ang mga salitang dayalektal.

Para sa iba pang halimbawa ng mga salitang kolokyal, balbal, lalawiganin alamin sa link.

https://brainly.ph/question/692849

Walong Bahagi ng Pananalita

Mayroon ding walong bahagi ng pananalita, ito ay ang mga sumusunod:

  • Pangngalan

  • Pangatnig

  • Pandiwa

  • Pang-ukol

  • Pang-abay

  • Panghalip

  • Pang-angkop

  • Pangawing

Para sa kahulugan nga bawat bahagi ng pananalita, basahin sa link.

https://brainly.ph/question/987035

#LetsStudy