IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

ano ang epekto ng illegal logging sa ating kapaligiran?

Sagot :

Answer:

Ano ang epekto ng illegal logging sa ating kapaligiran?

Ang illegal logging ay ang patuloy na pagputol ng mga puno kahit walang permiso galing sa pamahalaang lokal na nasasakupan ng isang lugar. Ito ay isa sa mga gawain ng tao na sumisira sa ating kapaligiran.

Narito ang ilang epekto ng illegal logging:

Pagbaha at Soil Erosion

Ang mga puno ay may malaking gampanin upang maiwasan ang pagbaha at soil erosion. Ngunit dahil sa patuloy na pagsasagawa ng illegal logging ay nakakalbo ang mga kagubatan at kabundukan. Wala ng pumipigil sa pagbaha at pagguho ng lupa.

Pagkasira ng Tahanan ng mga Hayop at Ibon

Marami ring hayop at ibon ang nawawalan ng tirahan dahil sa illegal logging. Masama ito dahil ang mga puno ang nagsisilbing tanging silungan ng mga hayop at ibon. Ito ang nagbibigay sa kanila ng proteksyon laban sa init at lamig.

Nanganganib na Maubos ang Ilang Uri sa Flora at Fauna

Isa sa yaman ng bansa ang flora at fauna. Dahil sa illegal logging ay may ilang uri na nanganganib ng mawala. Malaki ang posibilidad na mangyari ito kung patuloy ang ganitong gawain.

Para makapagbasa pa tungkol sa illegal logging, basahin sa links.

Dahilan ng Illegal Logging:

https://brainly.ph/question/549978

Solusyon:

https://brainly.ph/question/59379

Reaksyon:

https://brainly.ph/question/2595715

#BetterWithBrainly