IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

ibat-ibang uri ng pangungusap

 



Sagot :

Subject: Filipino

Answer:  

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA KAYARIAN

1, ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng isang buong diwa lamang. Ngunit nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri.  

2. Ang tambalang pangungusap ay nagtataglay ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa.  

3. Ang Hugnayang pangungusap naman ay may sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di- makapag-iisa. Kadalasang ang mga sugnay na di makapag-iisa ay ginagamitan ng mga panandang pangkayarian ( ngunit, nang, kung, subalit, upang, di umano, bagama’t at iba pa).  

4. Ang langkapang pangungusap naman ay may dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa o dalawa o higit pang sugnay na di makapag-iisa.  

URI NG PANGUNGUSAP AYON SA TUNGKULIN

1. Ang pangungusap na paturol ay yaong mga pangungusap na nagsasalaysay ng isang katotohanan batay sa tunay na nangyayari o naganap. Ito ay karaniwang nilalagyan ng tuldok sa hulihan(.) bilang panapos na pangungusap.  

2. Ang pangungusap na Patanong ay nagpapahayag ng pag-uusisa o patanong. Gumagamit ito ng bantas na panandang pananong (?).  

3. Ang pangungusap na pautos ay nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap. Ito ay  gumagamit ng bantas na tuldok(.) o maaari rin namang gumagamit ng panandang pananong(?).  

4. Ang pangungusap na padamdam naman ay gumamit ng bantas na padamdam(!) upang ipahayag ang masidhing damdamin, pagkagulat o pagkabigla.    

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paksa, buksan ang link na nasa ibaba

Uri ng pangungusap:  brainly.ph/question/2070363

Uri ng pangungusap at halimbawa ng mga ito: brainly.ph/question/2119076

2 uri ng pangungusap: brainly.ph/question/1379957