Magtanong at makakuha ng mga sagot ng eksperto sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
Sagot :
Answer:
Bahay ni kaka di matingala.
Sagot: Noo
Noo ang sagot dahil kahit anong gawin nating pagtingala ay hindi natin ito makikita.
Explanation:
Bugtong
Ano ang bugtong?
- Ang bugtong ay mga pangungusap na palaisipan at may nakatagong kahulugan.
- Ang bugtong ay gumagamit ng talinghaga o mga metapora sa pagsasalarawan isang partikular na bagay o mga bagay na hulaan.
- Ito ay maaaring patungkol sa tao, hayop, pagkain o sa mga bagay bagay.
- Ito ay isa sa mga libangan at kadalasang nilalaro ng mga bata at ng mga nakakatanda.
Mga Halimbawa ng Bugtong
Narito ang ilang halimbawa ng bugtong:
Kung bago ay pula, itim kung luma na.
Sagot: Palayok
Sa silong naglalagi, basa parin lagi.
Sagot: Dila
Bulak na bibitin-bitin, hindi pwedeng balutin.
Sagot: Ulap
Di na dapat pakuluan upang pabulain lamang.
Sagot: Sabon
Bangka ng kumpare ko, paroon at parito.
Sagot: Duyan
Bumili ako ng isang bagay upang pakinabangan. Pag-uwi ko sa bahay, luha ko ay di mapigilan.
Sagot: Sibuyas
Butong binalot ng balat, lamang binalutan ng katad.
Sagot: Mangga
Ang labas ay tabla tabla, ang loob ay sala sala.
Sagot: Patola
Mapa tubig o mapa lupa, dahon ay nananariwa.
Sagot: Kangkong
Ang abot ng paa ko, ay abot din ng ilong ko.
Sagot: Elepante
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: Langka
Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
Para sa kahalagahan ng bugtong sa mga tao, alamin sa link.
brainly.ph/question/2470968
Gabay sa paggawa ng mga bugtong:
brainly.ph/question/2347863
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.