IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

kahulugan ng magahis

Sagot :

Answer:

Kahulugan ng Magahis

Ang salitang magahis ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na gahis. Ito ay isang malalim na salitang Tagalog at hindi kadalasang ginagamit sa araw araw na komunikasyon. Ang ibig sabihin ng salitang magahis ay ang mga sumusunod:

  • mahigitan
  • matalo
  • madaig
  • malupig

Sa Ingles ang magahis ay to overcome o to overpower.

Mga Halimbawang Pangungusap Gamit ang "Magahis"

  • Upang magahis (madaig) ang kanilang pangamba ay nagpadala ng mga pagkain at kaunting pera ang gobyerno sa kanilang lugar.

  • Kailangan mong magahis (matalo) ang iyong takot sa eroplano kung nais mo talagang makalipad at makatrabaho sa ibang bansa.

  • Tunay na kahanga-hanga ang ginawa ng ating mga bayani noon magahis (malupig) lamang ang mga mananakop.

Para sa iba pang malalalim na Tagalog na salita at kahulugan nito, alamin sa link:

https://brainly.ph/question/2752020

#BetterWithBrainly