Magtanong at makakuha ng malinaw na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Ano ang pag tutulad,pagwawangis,pag mamalabis?????



Sagot :

 Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
 Pagwawangis - tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.
Pagmamalabis o Hayperbole - Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.