Answered

Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

anong kahulugan ng marubdob?

Sagot :

Kahulugan ng Marubdob

Ang marubdob ay binubuo ng unlaping ma- at salitang ugat na dubdob. Ito ay naglalarawan ng lakas ng apoy o tindi ng damdamin ng isang tao. Ang kahulugan ng marubdob ay maalab, masidhi, matindi o maliyab. Marubdob ang apoy kung patuloy ang paglalagay ng gatong. Marubdob naman ang damdamin kung labis ang emosyon na nadarama.

Mga Halimbawang Pangungusap Gamit Ang Marubdob

  • Dahil sa marubdob na pagmamahal niya sa kanyang nobya ay nasiraan siya ng ulo nang mamatay ito.

  • Bakas sa kanyang mata ang marubdob na galit dulot ng pagtataksil.

  • Binalot ng marubdob na apoy ang kabahayan sa Maynila.

Kahulugan ng malalim na salitang Tagalog:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly

Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.