Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

laragway ng tanaga at haiku .



Sagot :

Ang katoto kapag tunay
hindi ngiti ang pang-alay
kundi isang katapatan
ng mataus na pagdamay.

(KAIBIGAN)
ni Emelita Perez Baes




Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko;
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto

(PALAY)
ni Ildefonso Santos




Wala iyan sa pabalat
at sa puso nakatatak, 
nadarama’t nalalasap 
ang pag-ibig na matapat.

(PAG-IBIG)
ni Emelita Perez Baes
Kabibi, ano ka ba?
May perlas, maganda ka;
Kung idiit sa taynga,
Nagbubunitunghininga!

(KABIBI)
ni Ildefonso Santos

 


Alipatong lumapag
Sa lupa — nagkabitak,
Sa kahoy nalugayak,
Sa puso — naglagablab!

(TAG-INIT)
ni Ildefonso Santos




Pag ang sanggol ay ngumiti 
nawawala ang pighati, 
pag kalong mo’y sumisidhi 
ang pangarap na punyagi.

(SANGGOL)