Ang mga Minoan ay ang unang sibilisasyo sa Gresya. Sila ay lumitaw
galing sa isla ng Crete. Sila ay tinatawag na Minoan hango sa pangalan
ng kanilang hari na si haring Minos. Ang Knossos ang kabisera ng Crete
at ang pinagtayuan ng Palasyo ng Knossos. Sila ay mapayapa at hindi
mahilig makipag-digmaan.
Ang mga Mycenaean ay kabaliktaran naman ng mga Minoan. Sila ay
nanggaling sa Peloponnesus. Tinatawag nilang “wanax” ang kanilang hari.
Sila ay kilala sa Trojan War kung saan nasakop nila ang Troy. Ehipto at
Cyprus din ang iba sa kanilang mga sinakop. Sila din ay kilala dahil
kay Homer na nagsulat ng sikat na Epikong Iliad.