IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at maaasahang mga sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

Ano ang mga pagkakaiba ng tuluyan at patula?

Sagot :

Tuluyan at Patula

Tuluyan ang tawag sa anyo ng panitikan na walang natatanging anyo at walang ritmo. Karaniwang ginagamit sa paglalarawan ng mga katotohanan o talakayan. Maaring gamitin sa pahayagan, media, liham, kasaysayan, pilosopiya, at talambuhay. Patula naman ang tawag sa panitikan na masining na pinagsama - sama. Bumubuo sa isang taludtod at may sukat at tugma.

Narito ang ilan sa mga pagkakaiba ng tuluyan at patula:

  1. Ang tuluyan ay walang natatanging anyo at walang ritmo samantalang ang patula ay may sukat at tugma.
  2. Ang tuluyan ay tulad ng pang araw - araw na komunikasyon samantalang ang patula ay itinatanghal sa isang takdang panahon.
  3. Ang tuluyan ay ginagamit sa paglalarawan samantalang ang patula ay masining na paglalarawan.
  4. Ang tuluyan ay nagtataglay ng katotohanan samantalang ang patula ay kathang - isip lamang.

Ano ang panitikan: https://brainly.ph/question/105126

Ano ang dalawang anyo ng panitikan: https://brainly.ph/question/566031

#LearnWithBrainly