Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Sagot :
Limang Tema ng Heograpiya:
Sagot:
D. Rehiyon
Paliwanag:
Ang rehiyon ay ang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o kultural. Ang rehiyon ay isang pamamaraan ng pagsasaayos ng mga lalawigan ng isang bansa upang ang mga ito ay pamahalaan ng maayos na tulad ng sa bansang Pilipinas na binubuo ng labingpitong rehiyon at walumpu’t dalawang lalawigan.
Halimbawa:
- Ang lumalaking populasyon ng National Capital Region (NCR) sa Pilipinas ang nagbigay - daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa buong lungsod.
Kahulugan ng rehiyon: https://brainly.ph/question/19643
Iba Pang Tema ng Heograpiya:
- interaksyon ng tao at kapaligiran
- lokasyon
- lugar
- paggalaw
Ang interaksyon ng tao at kapaligiran ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kanyang kinaroroonan. Ang kapaligirang ito ay karaniwang pinag – kukunan ng kanyang mga pangangailangan at ang pakiki – ayon niya sa mga pagbabagong nagaganap sa kanyang kapaligiran.
Halimbawa:
- Ang pangingisda ay isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng mga Pilipino dahil ang bansa ay napalilibutan ng mga karagatan.
- Libo-libong Pilipino ang tumutungo sa Australia at New Zealand upang magtrabaho.
- Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig.
Dalawang Paraan ng Pagtukoy:
- absolute
- relatibo
Ang lokasyong absolute ay tumutukoy sa lokasyon gamit ang mga imahinasyong guhit na latitude at longitude. Ang punto kung saan nagtatagpo ang dalawang imahinasyong guhit ay ang absolute na lokasyon ng isang lugar sa daigdig.
Ang lokasyong relatibo ay tumutukoy sa mga lugar at bagay na nakapalibot dito. Ang halimbawa ng mga ito ay anyong tubig, anyong lupa, at istruktura na gawa ng tao.
Halimbawa:
- Ang Pilipinas ay matatagpuan sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.
- Ang bansang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud.
Ang lugar ay tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook.
Dalawang Paraan ng Pagtukoy:
- katangian ng kinaroroonan
- katangian ng naninirahan
Ang katangian ng kinaroroonan ay tumutukoy sa klima, anyong lupa at tubig, at mga likas na yaman.
Ang katangian ng naninirahan ay tumutukoy sa kultura, dami o densidad ng tao, relihiyon, sistemang political, at wika.
Halimbawa:
- Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may klimang tropikal.
- Islam ang ang opisyal na relihiyon ng mga mamamayan ng Saudi Arabia.
- Español ang wikang ginagamit ng mga mamamayan sa Mexico.
Ang paggalaw ay tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinamulatang lugar patungo sa ibang lugar na tulad ng paglipat ng mga bagay at natural na mga pangyayari tulad ng hangin at ulan.
Tatlong Uri ng Distansya:
- linear
- time
- psychological
Ang linear na distansya ay tumutukoy sa kung gaano kalayo ang isang lugar.
Ang time na distansya ay tumutukoy sa kung gaano katagal ang paglalakbay.
Ang psychological na distansya ay tumutukoy sa kung paano tinitingnan ang layo ng lugar.
Halimbawa:
- Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan.
Mga tema ng heograpiya: https://brainly.ph/question/120440
https://brainly.ph/question/313307
Salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.