Makahanap ng mga solusyon at sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Sagot :
Apat na Uri ng Salik ng Produksyon
- Lupa – mga bagay na nanggagaling sa kapaligiran na ginagamit sa paggawa ng produkto. Hindi lamang tungkol sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay kundi lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito. Kasama na ang yamang-tubig, yamang mineral, at yamang gubat. Ang lupa ay takda ang bilang.
- Kapital o Puhunan – mga produktong nakakalikha ng panibagong produkto o mga kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
- Paggawa o Lakas Paggawa - mga tao na siyang lumilinang sa mga bagay-bagay sa kanyang kapaligiran para gawing produkto. Ang tao ay ang pinakamahalagang salik ng produksyon. Ang mga hilaw na sangkap at likas na yaman ay magiging kapaki-pakinabang kung gagamitin at gagawing produkto. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.
- Entreprenyur – tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Bukod sa tagapag-ugnay, sila rin ay nag-oorganisa, nagkokontrol, at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na maaaring makaapekto sa produksyon. Entrepreneurship ay tungkol sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa apat na uri ng salik ng produksyon, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/244695
Kahulugan ng Salik ng Produksyon
Ang salik ng produksyon ay:
- pinagkukunang-yaman na may kapakinabangan sa produksyon
- mga inputs o bagay na ginagamit upang makagawa ng mga bagay na sasagot sa kagustuhan at pangangailangan ng tao
- mga elemento ng produksyon
Kung wala ang mga salik ng produksyon, hindi makakalikha ng produkto.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng salik ng produksyon, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/392292
Kahulugan ng Produksyon
Ang produksyon ay:
- nanggaling sa salitang Latin na “Productio” na may ibig sabihin na “bring forth”
- tumutukoy sa paglikha ng mga produkto at serbisyo mula sa pagsasama-sama ng mga salik ng produksyon
- tumutukoy sa paggawa ng produkto para tugunan ang mga kagustuhan at mga pangangailangan ng tao
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa kahulugan ng produksyon, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/826851
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.